Sa panahon ng pandemya, maraming mga tao at mga pamilya ang nakaranas ng kahirapan ng hindi inaasahang pagkawala ng trabaho at hindi lahat ay naapekto sa parehong paraan. Kasama sa Badyet 2021 ang mga bagong pamumuhunan upang suportahan ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapabuti sa pangangalaga ng bata, gawing mas abot-kaya ang buhay, pagbabawas ng kahirapan, pagsusulong ng pakikipagkasundo at pamumuhunan sa mga serbisyong inaasahan ng mga tao.
PAGSUSUPORTA SA MGA TAO AT MGA PAMILYA SA HINAHARAP
PAGSUSUPORTA SA MGA TAO AT MGA PAMILYA SA HINAHARAP
Benepisyo sa Pagbawi ng B.C.
Ang Benepisyo sa Pagbawi ng BC (BC Recovery Benefit) ay nakatulong sa 2.5 milyong mga British Columbian habang pinasisigla ang mga lokal na ekonomiya. Ang benepisyo ay nagbibigay ng hanggang sa $1,000 para sa mga karapat-dapat na pamilya at mga solong magulang, at hanggang sa $500 para sa mga karapat-dapat na indibidwal. Ang Badyet 2021 ay patuloy na pinopondohan ang Benepisyo sa Pagbawi ng BC (BC Recovery Benefit). Ang mga tao ay maaaring mag-aplay hanggang Hunyo 30, 2021.
Abot-kaya, Inklusibong Pangangalaga ng Bata
Mahigit sa 35,000 mga pamilya sa B.C. ay mayroon nang akses sa mababang-gastos na pangangalaga ng bata sa pamamagitan ng mga makasaysayang pamumuhunan sa huling apat na taon. Ang Badyet 2021 ay higit na dinoble ang bilang ng $10-isang-araw na lugar sa pangangalaga ng bata, na nangangahulugang 75 higit pang mga sentro ng pangangalaga ng bata at libu-libong mga pamilya na umaasa sa kanila ay makikinabang sa programa.
- Kami ay magpapatuloy na lumikha ng mga bagong espasyo bawa't taon, at maraming mga pamilya ay magkakaroon ng akses sa pangangalaga ng bata sa bakuran ng paaralan kasama ang pagpapalawak ng eksperimentong programa ng Seamless Day.
- Ang kasalukuyang pagpapahusay ng sahod sa tagapagturo sa maagang pagkabata ay madodoble sa $4 isang oras, na pakikinabangan ng humigit-kumulang 11,000 mga tagapagturo ng maagang pagkabata.
- Ang 2,000 pang mga pamilya ay magkakaroon ng akses sa mga programa na nagpapabuti sa pagsasama ng mga pang-araw-araw na mga aktibidad para sa mga batang may mga pangangailangan sa suporta.
- Ang $20 milyon ay magbibigay ng karagdagang mga gawad sa kalusugan at kaligtasan sa mga tagapagbigay ng pangangalaga sa bata upang matiyak na ang mga sentro ay mananatiling ligtas sa pamamagitan ng karagdagang mga suplay sa paglilinis, personal na proteksyon na kagamitan o pagpapabuti sa espasyo.
Libreng pampublikong transportasyon para sa mga bata ng B.C.
- Mahigit sa 340,000 na mga bata, na 12 taong gulang at pababa, ang sasakay sa pampublikong transportasyon nang libre na napapanahon sa mga klase ngayong Setyembre.
- Ang mga pamilya sa lugar ng TransLink ay maaaring makatipid ng hanggang $672 sa isang taon para sa bawa't bata, habang ang mga pamilya sa mga komunidad ng BC Transit ay makakatipid ng hanggang $400 sa isang taon.
Benepisyo sa Oportunidad ng Bata
Epektibo noong Oktubre 2020, halos 300,000 mga pamilya ay nagsimulang makatanggap ng Benepisyo sa Oportunidad ng Bata, na magpapatuloy hanggang sa ang bata ay maging 18 taong gulang. Ang mga pamilyang may isang anak ay makakatanggap ng hanggang $1,600 bawa't taon, ang may dalawang anak hanggang $2,600, at ang may tatlong anak hanggang $3,400.
Pamumuhunan sa bagong pagsasanay at mga oportunidad sa pagtatrabaho para sa mga kabataan
Bagong pagpopondo upang suportahan ang pagkatapos-ng- sekundaryong edukasyon, kabilang ang mga bagong espasyo upang mabuo ang kakayahan sa pagsasanay sa sektor ng pangangalaga ng kalusugan.
$32 milyon upang ipagpatuloy ang pagsasanay na inilunsad sa pamamagitan ng Plano sa Pagbawi ng Ekonomiya ng Mas Malakas na BC[StrongerBC Economic Recovery Plan], kasama ang:
- $17 milyon upang makipagsosyo sa mga Katutubong komunidad at mga organisasyon upang mapalawak ang pag-akses sa pagsasanay sa kasanayan.
- $5 milyon upang mapalawak ang pagsasanay sa micro-kredensyal para sa mga taong naghahangad na muling magsanay at ituloy ang mga bagong karera.
- $10 milyon para sa mga pagkakataon sa pag-aaral na pinagsamang-trabaho at panandaliang pagsasanay sa kasanayan.
$45 milyon para sa mga inisyatiba sa pagtatrabaho ng kabataan kabilang ang pagpopondo upang mapalawak ang programang Inisyatiba sa Makabagong Kasanayan [Inovative Skills Initiative], at mga oportunidad sa trabaho sa sektor ng mga likas na yaman.
Sinusuportahan ang kabataan ng B.C. sa pamamagitan ng mga pamumuhunan sa edukasyon
Ang mga pamumuhunan upang mapabuti ang mga suporta sa pangkaisipang kalusugan sa mga paaralan, at tugunan ang kapootang panlahi at pagkakasundo upang ang susunod na henerasyon ay maaaring umunlad sa pamamagitan ng suporta na kailangan nila upang umunlad. Bilang karagdagan, ang pamumuhunan sa kapital ay magpapatuloy na bumuo ng mga bagong paaralan at pahuhusayin ang mga umiiral sa mga komunidad sa buong B.C.
Makabuluhang pagkakasundo
Ang pagkakasundo ay higit pa sa isang solong desisyon, kaganapan o sandali. Ito ay isang ibinabahagi at patuloy na paglalakbay na tayo ay magkasama. Bumubuo ang Badyet 2021 sa Plano sa Pagbawi ng Ekonomiya ng StrongerBC ng Taglagas 2020 (Fall 2020 StrongerBC Economic Recovery Plan) upang isulong ang pagkakasundo at gumawa ng isang mas inklusibong ekonomiya. Kasama rito ang pagpopondo para sa pagtatrabaho kasama ang mga Katutubong tao upang isulong ang pakikipagkasundo, at matiyak na ang mga Katutubong tao ay maaaring ganap na makilahok sa pagbawi sa ekonomiya ng B.C.
Kabilang sa Badyet 2021 ang:
- $60 milyon sa taunang pagpopondo sa Ministeryo ng mga Relasyon at Pagkakasundo ng Katutubo. Ito ay dedikadong pagpopondo upang suportahan ang pakikilahok ng Katutubo sa mga aktibidad sa lupa at mapagkukunan, kasama ang mga negosasyon, at pakikipag-ugnayan sa batas, patakaran at mga programa.
- $14 milyon para sa Awtoridad sa Kalusugan ng mga First Nation (First Nations Health Authority) upang maghatid ng nakatuon na mga serbisyo sa pangkaisipang kalusugan at pagkagumon sa mga Katutubong tao sa buong B.C.
- 400 mga karagdagang espasyo sa programang Maagang Pagsimula ng Katutubo [Aboriginal Head Start] na nagbibigay ng kaugnay sa kulturang pangangalaga sa bata para sa mga pamilyang Katutubo.
- Pagpopondo upang makipagsosyo sa daan-daang mga Katutuong komunidad at mga organisasyon upang mapalawak ang pag-akses sa mga programa sa pagsasanay sa kasanayan.
- Pagpopondo upang makipagsosyo sa daan-daang mga Katutuong komunidad at mga organisasyon upang mapalawak ang pag-akses sa mga programa sa pagsasanay sa kasanayan./li>
Pagsuporta sa mga mahihinang tao ng B.C. at pagbubuo ng isang mas pantay na hinaharap
Ang Badyet 2021 ay may kasamang mga programa at pagpopondo na nakadirekta sa mga mahihinang tao. Kasama dito ang pinakamalaking permanenteng pagtaas sa kita at tulong sa kapansanan sa B.C.
- Ang isang $175 sa isang buwan na pagtaas sa mga antas ng kita at tulong sa kapansanan ay nagtatayo sa dalawang nakaraang pagtaas, para sa isang kabuuang pagtaas ng $325 sa isang buwan mula noong 2017 para sa mga taong tumatanggap ng tulong, hanggang sa isang 53% na pagtaas.
Ang Suplemento ng Sinyor ay madodoble, na makikinabang ng hanggang sa 80,000 mga sinyor na may mababang kita. Magagamit din ang karagdagang pondo upang suportahan ang mga batang nasa pangangalaga o may mga alternatibong pag-aayos ng pangangalaga, pati na rin mga karagdagang suporta para sa mga programa na sumusuporta sa mga batang may kapansanan o mga medikal na pangangailangan. Ang Paninirahan sa Komunidad ng BC [Community Living BC] ay makakatanggap ng bagong pondo para makapagbigay ng mga suporta at serbisyo sa higit sa 24,000 mga may sapat na gulang na may mga kapansanan sa pag-unlad at kanilang mga pamilya. Ang mga bagong pamumuhunan sa ating sistema ng hustisya ay makakatulong na magbigay ng napapanahon at pantay na pag-akses sa hustisya partikular para sa mga kababaihan, mga nakikitang mga minorya, mga nag-iisang magulang, mga takas, mga Katutubong tao, mga miyembro ng komunidad ng 2SLGBTQ + at mga taong may mababang kita.
Mas abot-kayang pabahay
Mahigit sa 26,000 bagong mga bahay ang itinayo o ay isinasagawa mula nang inilunsad ng pamahalaan ang 10-taong plano ng Mga Bahay para sa B.C. (Homes for B.C.) noong 2018. Ang Badyet 2021 ay lilikha ng higit pang mga pagpipilian ng mas abot-kayang pabahay para sa mga lumalaking pamilya, mga sinyor, mga kababaihan at mga bata na tumatakas sa karahasan, mga mag-aaral at mga Katutubong tao, kasama na ang pagsuporta sa paglikha ng halos 9,000 abot-kayang mga bahay para sa mga sambahayan at mga pamilya na may gitnang kita. Ang Badyet 2021 ay nagpapatuloy din na suportahan ang mga taong nakakaranas o nasa peligro ng kawalan ng tirahan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng higit sa 3,000 pansamantalang emerhensiyang tirahan at mga lugar ng hotel na nagbigay ng isang ligtas na lugar upang mapuntahan sa panahon ng pandemya.