a smiling teenager with a backpack going to highschool

PAGPROTEKTA SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN NG MGA BRITISH COLUMBIAN

PAGPROTEKTA SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN NG MGA BRITISH COLUMBIAN

Ang Badyet 2021 ay patuloy na pinoprotektahan ang kalusugan, pangkaisipang kalusugan at kaligtasan ng mga British Columbian at pinapalawak ang mga serbisyong inaasahan ng mga tao sa $4 bilyon na pondo ng pangangalagang pangkalusugan sa susunod na tatlong taon, kabilang ang pagpopondo upang patuloy na maihatid ang mga serbisyong pangkalusugan na may kaugnayan sa COVID-19.

Mga COVID-19 na suporta sa kalusugan upang panatilihing ligtas ang mga tao

Habang maraming tao ang nabakunahan, ang pamahalaan ay nagsusumikap upang mapanatiling ligtas ang mga tao. Ang Badyet 2021 ay naglalaan ng $900 milyon sa 2021/22 upang suportahan ang patuloy na pagtugon ng Lalawigan sa COVID-19 na pandemya.

  • Mga bakuna sa COVID-19 para sa bawa't British Columbian
  • Pagsusuri at pagtatalunton ng pakikipagkontak (contact tracing), pinalawak na pagbabakuna sa trangkaso, at napabuting akses sa mga serbisyong pangkalusugan para sa kanayunan, malayuan at mga Katutubong komunidad.
  • Pagsusuri ng mga kawani para sa COVID-19 sa pangmatagalang pangangalaga at tinutulungan sa pamumuhay na mga pasilidad upang mapanatiling ligtas ang mga sinyor
a picture of a person recieving a Covid shot

Pagpapalakas ng pangangalagang pangkalusugan sa B.C. para sa isang malusog na kinabukasan

Ang Badyet 2021 ay may kasamang mga makabuluhang pamumuhunan upang magpatuloy na palakasin ang pangangalagang pangkalusugan sa B.C. upang malaman ng mga tao na ang tulong ay naroon kapag kailangan nila ito.

  • $585 milyon upang sanayin at mag-empleyo ng hanggang sa 3,000 katao bilang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan
  • $45 milyon upang makatulong na matugunan ang sistematikong kapootang panlahi laban sa mga Katutubong tao sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan
  • $68 milyon upang madagdagan ang bilang ng mga katulong sa pangangalaga at mga tagapagbigay ng pangangalaga sa komunidad upang maihatid ang kalidad ng pangangalaga sa bahay upang matulungan ang mga sinyor sa pang-araw-araw na pamumuhay
  • $12 milyon upang magbigay sa mga sinyor na may mga kumplikadong pangangailangan ng pangangalaga mula sa ginhawa ng kanilang mga tahanan
  • $495 milyon upang dagdagan ang kapasidad sa diyagnostikong imahe at pag-oopera

Ang pinakamalaking pamumuhunan sa pangkaisipang kalusugan sa kasaysayan ng B.C.

Sa pamamagitan ng pinakamalaking pamumuhunan kailanmang ginawa sa pangkaisipang kalusugan ng mga British Columbian, ang Badyet 2021 ay magpapatuloy sa pagpapalawak ng mga suporta sa pangkaisipang kalusugan at paggamit ng droga upang mas mahusay na ikonekta ang mga tao sa ligtas sa kultura at mabisang pangangalaga. Kasama dito ang $500 milyon sa bagong pondo sa plano sa pananalapi upang mapalawak ang mga serbisyong pangkaisapang kalusugan at pagkagumon.

  • $97 milyon upang bumuo ng isang network ng mga suporta sa pangkaisipang kalusugan para sa kabataan
  • $14 milyon para sa Awtoridad sa Kalusugan ng mga First Nation (First Nations Health Authority) upang maghatid ng mga serbisyo sa pangkaisipang kalusugan at pagkagumon sa mga Katutubong tao.
  • $330 milyon upang magbigay ng buong espektro ng mga serbisyo sa paggamot sa paggamit ng droga
  • 195 na panggagamot sa bagong paggamit ng droga at mga kama para sa pagpapagaling sa buong lalawigan upang matulungan ang mas maraming tao na makapunta sa landas ng paggaling.
  • $61 milyon upang mapabuti ang pag-akses at kalidad ng mga serbisyo sa pangkaisipang kalusugan.
a landscape picure of a hospital

Pamumuhunan sa bagong imprastruktura ng kalusugan

Ang Badyet 2021 ay nagpapatuloy na magtuon sa pagtatayo ng kritikal na imprastrukturang pangkalusugan sa pamamagitan ng $7.8 bilyon sa kapital na pamumuhunan sa panahon ng piskal na plano. Susuportahan ng mga pamumuhunan ang mga bagong pangunahing proyekto sa konstruksyon at pagpapabago ng mga pasilidad sa kalusugan, medikal at pandiyagnostikong kagamitan at mga sistema ng teknolohiya.

Ang mga bagong proyekto sa kalusugan tulad ng bagong Surrey Hospital at Cancer Center ay karagdagan sa mga proyekto tulad ng bagong St. Paul's Hospital at mga bagong ospital sa Distrito ng Cowichan, Dawson Creek at distrito, Terrace at Stuart Lake. Kabilang din sa mga pamumuhunan ang mga bagong espasyo para sa mga pasyente sa Ospital ng Burnaby, ang Kamloops' Royal Inland Hospital, Rehiyonal na Ospital ng Penticton at Cariboo Memorial Hospital.