a smiling teenager with a backpack going to highschool

MALAKAS NA PAGBAWI NG EKONOMIYA AT PAMUMUHUNAN SA ATING HINAHARAP

MALAKAS NA PAGBAWI NG EKONOMIYA AT PAMUMUHUNAN SA ATING HINAHARAP

Ang Badyet 2021 ay patuloy na binibigyang prayoridad ang mga pamumuhunan na makakatulong sa B.C. upang tumugon sa pandemya at upang maghanda para sa isang malakas na pagbawi. Ang mga pamumuhunan na ito ay bumubo sa higit sa $10 bilyon na ibinigay upang suportahan ang mga tao, mga negosyo at mga komunidad mula nang magsimula ang pandemya.

Titiyakin ng Badyet 2021 na ang tamang imprastraktura ay nasa lugar sa pamamagitan ng paggawa ng mga kritikal na pagbabago sa mga ospital at mga pasilidad ng kalusugan, mga paaralan, at mga proyekto sa highway at transit. Ito ay nagbibigay ng isang tala na $26.4 bilyon sa mga kapital na pamumuhunan na sinusuportahan ng nagbabayad ng buwis na inaasahang makakalikha ng higit sa 85,000 na mga trabaho sa loob ng tatlong taong plano.

Ang Badyet 2021 ay nagbibigay ng isang tala na $26.4 bilyon sa mga kapital na pamumuhunan na sinusuportahan ng nagbabayad ng buwis na inaasahang makakalikha ng higit sa 85,000 na mga trabaho sa tatlong taong plano.

Ang mga pamumuhunang ito ay nagtatayo sa mga makasaysayang pamumuhunan na ginawa ng pamahalaan tungo sa krikal na imprastraktura. Nakatuon ito sa parehong umiiral na mga proyekto upang ang mga tao ay makabalik sa trabaho kaagad at suportahan ang pundasyon ng pangmatagalang pagbawi sa pamamagitan ng mga bagong pamumuhunan sa mga sektor ng transportasyon, kalusugan at edukasyon.

Namumuhunan din ang Badyet 2021:

  • $40 milyon upang makapagbigay ng mataas-na-bilis na internet at saklaw sa cellular para sa mas maraming mga kanayunan at malayuang komunidad, kabilang ang mga Katutubong komunidad.
  • $83 na milyon sa pagpapatakbo atpagpopondo ng kapital para sa mga Parke ng BC (BC Parks) upang mapalawak at mapabuti ang mga daanan at likod ng bayang imprastruktura, magdagdag ng mga bagong lugar ng kamping, bumili ng bagong lupa upang palawakin ang mga parke, mapahusay ang sistema ng reserbasyon ng Discover Camping, at suportahan ang umiiral na imprastruktura ng parke.
  • $30 milyon upang suportahan ang mga inisyatiba upang markahan ang ika-150 anibersaryo ng pagpasok sa kompederasyon ng B.C.
  • $500 milyon sa pagpipinansya sa loob ng tatlong taon para sa Pondo sa Estratehikong Pamumuhunan (Strategic Investment Fund) ng InBC upang maakit at patatagin ang mataas na paglago ng negosyo, talento at magagandang trabaho sa B.C. Mayroon ding $100 milyon na Gawad na pagpopondo sa Maliit- at Katamtamang-laki na Negosyo na inihayag noong taglagas na nakatuon sa mga nagpapatakbo ng turismo.
a picture of a electric vehicle at a charging station

Paghahanda ng B.C. para sa isang mas berdeng pagbawi sa pamamagitan ng CleanBC

Bumubuo ang Badyet 2021 sa pag-unlad na nagawa namin sa paglikha ng isang mas malinis, mas malakas na ekonomiya sa pamamagitan ng pamumuhunan ng karagdagang $506 milyon upang mabawasan ang mga emisyon, mamuhunan sa malinis na enerhiya at cleantech, at maghanda para sa pagbabago ng klima. Sa pamamagitan ng Mas Malakas na BC (StrongerBC), kami ay namuhunan ng $190 milyon sa mga proyekto ng pagbabago ng klima upang suportahan ang mga trabaho at isang mas malinis, mas matatag na pagbawi sa ekonomiya. Ang idinagdag na pondo sa Budget 2022 ay nagdudulot ng kabuuang paglalaan ng CleanBC, kasama ang StrongerBC, sa halos $2.2 bilyon mula noong 2019/20.

  • Ang mga pamumuhunan na ito ay magbabawas ng mga emisyon sa transportasyon, suportahan ang kabaguhan ng mababang karbon, ibalik at protektahan ang mga kritikal na saluran ng tubig at lugar ng tirahan, at harapin ang pagbabago ng klima habang naghahanda para sa mga epekto nito.

Mas malinis na transportasyon

Ang patuloy na pamumuhunan sa paglipat sa mas malinis na mga sasakyan na may $130 milyon upang suportahan ang mga insentibo para sa mga sero emisyon na sasakyan, mga istasyon ng elektrikal na pagkakarga, teknolohikal na pagpapaunlad, at ang pagkuryente ng mga bus ng paaralan, mga lantsang pantawid at mga armada ng pamahalaan, kabilang ang:

  • $94 milyon sa programang Go Electric, na nagbibigay ng mga rebate para sa mga pagbili ng mga sero-emisyon na sasakyan, pagkakargang mga istasyon at mga suporta sa pangangalakal ng mga matitibay na sasakyan.
  • $18 milyon upang suportahan ang aktibong imprastraktura ng transportasyon tulad ng mga daanan ng bisikleta, mga bangketa at maraming gamit na mga daanan.
  • Isang iksemsyon sa PST sa mga de-koryenteng mga bisikleta na makatitipid ang mga British Columbian ng tinayang $7 milyon taun-taon.
  • $10 milyon upang karagdagang bumuo ng patakaran sa pagbabawas ng intensidad ng karbon ng gasolina at pagbubuo ng hydrogen na ekonomiya sa B.C.
a landscape picure of a worker wearing a PPE

Mas mahusay na mga gusali, mas malakas na mga komunidad

Sinusuportahan ng Budget 2022 ang mas malinis, mas malakas na mga komunidad na may mas mataas na pondo para sa kahusayan ng enerhiya sa mga gusali, mas mahusay na pagpaplano ng lungsod, at pagbawas sa paggamit ng diesel sa mga malayuan at Katutubong komunidad.

Nakikipagtulungan sa industriya at cleantech

  • $96 milyon para sa Programang CleanBC para sa Industriya upang mabawasan ang mga emisyon, palawakin pa ang sektor ng malinis na tech ng British Columbia at suportahan ang pandaidigang kakayahang makipagkumpitensiya sa malinis na ekonomiya.
  • $60 milyon upang suportahan ang Sentro para sa Kabaguhan at Malinis na Enerhiya [Centre for Innovation and Clean Energy] at para sa cleantech na pamumuhunan upang mapalawak ang mga pagkakataon sa pakikipagsosyo sa pederal na pamahalaan.
  • Susuportahan ng Sentro saKabaguhan at Malinis na Enerhiya [Center for Innovation and Clean Energy] ang pagbubuo at pangangalakal ng malinis na teknolohiya sa B.C. - na lumilikha ng magagandang trabaho at nagpapabilis ng pag-unlad ng teknolohiya upang matulungan ang paglipat sa isang mababang karbon na hinaharap.
  • $4 na milyon upang payagan ang Climate Action Secretariat na makakatulong na mapaunlad ang mga hakbang sa pagkilos sa klima na sumusuporta sa malinis, inklusibong paglago ng ekonomiya.

Pag-aangkop at pagiging handa sa Klima

Patuloy na namumuhunan ang Lalawigan sa mga masulong na mga inisyatibo upang suportahan ang paghahanda at pag-aangkop sa klima sa $6 milyon upang suportahan ang unang yugto ng Estratehiya sa Paghahanda at Pag-angkop sa Klima ng B.C. upang mas mahusay na tumugon sa panganib sa klima at mabawasan ang epekto ng pagbabago sa klima sa paglipas ng panahon.